Public Message


Bago po ako magwakas, gusto ko pong ipabatid sa inyo ang isang proyekto na gusto kong ipatupad kung sakaling ako ay mahahalal na konsehal. Gagawin ko’ng buhay at di lamang pangako ang aking adhikaing  “SERBISYONG TOTOO, HINDI MAGBABAGO!” Sa halip na ilaan ko sa aking sarili ang suweldong tatanggapin ko bilang konsehal, ito ay ibabalik ko ng buong-buo sa bayan bilang seed fund para sa mga proyektong magsusulong sa kaunlaran ng bayan. Ang akin pong commitment sa bayan ay di lamang ang aking oras, hindi lamang ang aking lakas, kundi maging ang aking tatanggaping suweldo mula sa gobyerno.

Sang-ayon po ba kayo rito mga kababayan? Kung sang-ayon kayo sa proyektong ito pakitaas lamang po ang inyong mga kamay. Ang katuparan po ng ating mga pangarap ay nasa mga kamay ninyong ‘yan. Pakibalita na rin po sa inyong mga kapitbahay, mga kamag-anak at mga kaibigan ang aking magandang layuning ito. Gagawin nating seed fund ang aking suweldo bilang konsehal. Palalaguin po natin ito sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga kaibigan nating maykaya at sa mga kompanya na mag-donate sa ating mga proyekto. Sa pamamagitan ng pondong ating malilikom, sama-sama nating tutuparin ang mga pangarap natin sa buhay at mga pangarap natin para sa bayan.

Malakas po ang aking loob na ibahagi ang aking suweldo dahil alam ko’ng mas maraming makikinabang kung gagamitin sa mga proyektong ipapatupad ko at ng aking mga kapartido para sa mga mamamayan ng Los Banos.

Muli po, sa darating na halalan, huwag ninyong kalilimutan Von Pamulaklakin Valdepenas at ang lahat ng aking mga ka-partido. Sa pagkakataon pong ibibigay ninyo sa amin, samasama nating haharapin ang magandang bukas dahil ang ihahatid namin sa inyo ay SERBISYONG TOTOO, HINDI MAGBABAGO!

Magandang gabi pong muli sa inyong lahat.  

No comments:

Post a Comment